Ni EDWIN MORENO
HINDI na umabot ng buhay ang pitong construction workers matapos matabunan ng gumuhong lupa sa ginagawa pa lang na two-storey residential unit sa loob ng isang private subdivision sa Barangay dela Paz, Antipolo City.
Sa paunang ulat ng Antipolo City Disaster and Risk and Reduction Management Office, dakong alas 3:00 ng hapon nang makatanggap sila ng tawag ng saklolo hinggil sa isang aksidente kung saan pito katao ang natabunan ng gumuhong lupa.
Ayon kay Antipolo CDRRMO chief Relly Bernardo, pawang construction workers ang mga hindi pinangalanang biktimang naatasan magtayo ng isang dalawang palapag na bahay.
Bukod sa apat na nasawi, tatlong iba pa ang nasugatan.
Ayon kay Bernardo, nakipag-ugnayan na ang may-ari ng ginagawang bahay sa lokal na pulisya at nangakong tutulong sa mga naulilang pamilya at sasagutin ang gastos ng tatlong ibang nasa pagamutan.
Pansamantalang ipinatigil ang paggawa habang gumugulong ang imbestigasyon.
