Ni BERNARD TESTA
SA gitna ng lumalalang tensyon sa West Philippine Sea, higit na apektado ang mga mangingisdang Pilipino – dangan naman kasi, hindi na halos pumapalaot ang mga mangingisdang umaasa lang sa karagatan para sa kabuhayan bunsod ng walang humpay na agresyon ng mga Tsino.
Subalit hindi lamang mga mangingisda sa West Philippine Sea ang apektado. Maging yaong mga namamalakaya sa ibang bahagi ng bansa.
Sa Manila Bay, problema ang pangingisda sanhi 1.4 milyong litro ng langis na karga ng lumubog na MT Terra Nova sa bahagi ng lalawigan ng Bataan.
Sa gawing katimugan, dehado rin ang mga maliliit na mangingisda sa mga dambuhalang fishing vessels na mga malalaking kumpanya.
Kabilang rin sa nakikitang dahilan ang polusyon dulot ng kapabayaan na rin ng mga tao. Katunayan, mistulang banig ng basura ang sahig ng mga anyong tubig tulad ng lawa, laot at maging mga ilog.
(Si Ginoong Bernard Testa – may akda ng maikling sanaysay, ay isang journo sa nakalipas na tatlong dekada. Sa kanyang karera, kinilala ang kanyang obra gamit ang kamera sa pagkuha ng larawan)
