Ni BERNARD TESTA
TALIWAS sa estado ng mga magsasaka sa ibang bansa, lubhang dehado ang mga sektor na manu-mano ang ang trabaho sa mga taniman para lang tiyakin may pagkain ang bawat pamilya sa hapag-kainan.
Sa lalawigan ng Negros Occidental, hindi palay ang bida sa sakahan. Hindi rin magsasaka ang tawag sa mga taong nagbibilad sa mga sakahan. Ang tawag sa kanila — mga sakadang abala sa paggapas ng tubo (sugarcane) na pangunahing sangkap sa paggawa ng asukal.
Sa lawak ng taniman sa naturang lalawigan, hindi maikakaila ang malaking ambag ng nasa 25,000 sakadang gumagapas sa tinatayang 423,333-ektaryang taniman ng tubo.
Pag-amin ni Frank Carbon na tumatayong chief executive officer of Metro Bacolod Chamber of Commerce and Industry, tumataginting na P90 bilyon ang ambag ng mga sakada sa pambansang ekonomiya.
Kapansin-pansin naman na, wala pa sa 10 porsyento ang pasok sa kategorya ng permanenteng trabahador, batay sa datos ng National Federation of Sugar Workers.
Ang higit na nakababahala ay ang posibilidad na mawalan na rin sila ng trabaho sa pagpasok ng makabagong teknolohiya at makinarya sa larangan ng agrikultura
