SA hirap ng buhay, dapat wais ang mga nanay. Ito ang buod ng mensahe ng Department of Trade and Industry (DTI), kasabay ng paglalabas ng talaan ng mga noche buena items at karampatang presyo sa merkado.
Pag-amin ng DTI, 102 sa 236 noche buena items ang nagmahal ang bentahan sa mga pamilihan. Gayunpaman, nilinaw ni Trade and Industry Secretary Cristina Roque na meron din naman 121 noche buena items ang nanatili ang presyo, habang 13 naman ang mas bumaba pa kumpara sa halaga noong huling bahagi ng nakalipas na taon.
Kabilang sa mga binabantayan ng ahensya ang presyo ng hamon, queso de bola, fruit cocktail, keso, mayonnaise, all-purpose cream, sandwich spread, pasta/spaghetti, elbow macaroni, tomato sauce, salad macaroni, at spaghetti sauce.
“By publishing this price guide, the DTI urges consumers to compare prices and select products that best fit their budget and preferences for the holiday season,” ani DTI Roque sa isang pahayag.
