NI EDWIN MORENO
HINDI na kailangan maghintay ng mahabang panahon para matukoy ng imbestigador ang salarin sa pamamaslang, ayon kay Philippine National Police – Forensic Group Director Brig. Gen. Benjamin Sembrano.
Sa isang simpleng seremonya, pormal na tinanggap ni Sembrano ang 3D Laser Scanner na donasyon ng Japan sa PNP
Ayon kay Sembrano, malaking bentahe ang makabagong 3D Laser Scanner na aniya’y may kakayahang kumuha ng “accurate” na scanning ng imahe ng krimen at tatlong dimensional crime scene laser sa lugar.
Bahagi rin ng kapasidad ng bagong kagamitan ang bullet trajectory at blood pattern analysis.
Dagdag ni Sembrano, sa nabanggit na teknolohiya lalakas ang investigative capability na pwede umanong gamitin sa korte.
Sa pagtataya ni sembrano, nasa P2.8 milyon ang halaga ng 3D Laser Scanner na handog ng Japan sa pambansang pulisya.
Samantala, plano rin aniya ng PNP bumili na apat pang 3D Laser Scanner na katulad ng ginagamit ng Federal Bureau of Investigation (FBI) sa Estados Unidos, para sa Scene of the Crime Operatives (SOCO).
