WALANG nakikitang dahilan si Rep. France Castro para talikuran ang isinusulong na impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.
Pag-amin ng militanteng kongresista, kabi-kabilang pagbabanta ang natatanggap niya dahil umano sa tinutulak na pulong ng mga endorser ng impeachment complaint laban sa pangalawang pangulo.
Si Castro ang endorser ng ikalawang impeachment complaint laban sa bise presidente.
“These cowardly acts of intimidation will not deter us from pursuing accountability. In the past, I chose to ignore similar threats, but now is the time to hold these perpetrators accountable for their actions against those who stand for truth and accountability,” ani Castro.
Kabilang sa umano’y natanggap na death threat ni Castro ang isang text message kung saan sinabihan siyang huwag na tumuntong sa Davao City para hindi mapahamak.
“Hindi ako magpapasindak sa mga pagbabanta at harassment na ito. Lalo lang nilang pinapatunayan na tama ang ating ginagawa sa pagpapanagot sa lumustay sa pera ng bayan,” aniya pa.
