Wala ng buhay nang matagpuan ng mga bumbero ang apat kataong natusta matapos tupukin ng apoy ang sariling tahanan sa lungsod ng Las Piñas, ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP).
Ayon sa BFP, dakong ala 1:20 ng madaling araw nang sumiklab ang apoy sa isang residential area na sakop ng Barangay Pulang Lupa.
Matapos ang isa’t kalahating oras, tuluyang naapula ang apoy. Gayunpaman, tumambad ang magkakaanak na kinabibilangan ng ama, ina at dalawang supling sa ikalawang palapag ng nasunog na bahay.
Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng BFP sa hangaring matukoy ang sanhi ng sunog. (LILY REYES)
