
KASABAY sa pangakong susuportahan ang mga hakbangin para mas maging maayos ang pagbibigay serbisyo at pagtupad ng tungkulin, pinapurihan ng pamunuan ng Kamara ang liderato ng Philippine National Police (PNP), sa mabilis na tugon sa pagdukot at pangingikil sa dalawang Chinese national na kinasangkutan ng mga tauhan ng Eastern Police District (EPD).
“General [Rommel] Marbil should be praised for taking prompt action on the extortion case allegedly involving at least eight members of the Eastern Police District and in sanctioning the star-ranked district commander for what he described as ‘failure of leadership’,” pahayag ni House Speaker Martin Romualdez.
“It is initiatives such as this that will make people restore their trust in our national police organization and in their local police forces,” dagdag pa niya.
Iginiit ni Romualdez ang kahalagahan ng reporma sa hanay ng pambansang pulisya at umaasa siya na tuloy-tuloy ang magiging pagsulong ng kinakailangang pagbabago.
“The key here is leadership by example. There is no substitute for it. If a leader is transparent, honest, effective, efficient, and compassionate, his commanders and personnel down the line will follow and practice those values,” diin ni Romualdez.
Nangako naman ang lider ng Kamara na pagdating sa pagpapahusay ng serbisyo ay susuportahan niya at ng kanyang mga kapwa kongresista ang mga isinusulong na reporma ng PNP, kabilang ang katiyakan na paglalaan ng kaukulang pondo para sa digitalization. (ROMEO ALLAN BUTUYAN II)