APAT armadong indibidwal na pinaniniwalaang galamay ng isang politiko ang nasabat ng pulisya habang sakay ng isang kotse sa bayan ng Buluan sa lalawigan ng Maguindanao del Sur.
Ayon kay former Buluan Vice Mayor King Mangudadatu, pawang armado ng high-powered firearms ang mga suspek na aniya’y mga dating sundalo.
Bukod sa sandamakmak na armas sa loob ng sasakyan, narekober din sa pag-iingat ng mga suspek na tubong Leyte ang iba’t ibang plaka ng sasakyan, ID at pampasabog.
Sa kanyang live stream sa Facebook, sinabi ng dating bise-alkalde na isa sa apat na suspek ang nagpahayag ng kahandaan isiwalat ang pangalan ng politikong nagbayad umano sa kanila para maghasik ng lagim sa naturang bayan.
