NAKATAKDANG bumalik sa kapitolyo ng Batangas ang tinaguriang “Star For All Seasons” na si Vilma Santos-Recto matapos ang pormal na proklamasyon kasunod ng idinaos na halalan. Tinalo ni Santos-Recto sina Mike Rivera (Liberal Party), Jay Ilagan (Promdi), and Walter Ozaeta. Gayunpaman, hindi sinipot ni Santos-Recto ang proklamasyon ng provincial board of canvassers. Bago pa man sumabak sa nakalipas na eleksyon, nagsilbing alkalde ng Lipa City, kongresista at gobernador ng Batangas si Santos-Recto mula taong 2007 hanggang 2016. Makakatuwang naman ni Santos-Recto si former Batangas Gov. Hermilando Mandanas bilang bise-gobernador, matapos talunin si Luis Manzano. Bukod kay Ate Vi, wagi rin ang bunsong anak na si Ryan Christian Recto bilang kongresista ng ika-anim na distrito ng Batangas. Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation Digong balik mayor, wagi sa Davao City Dateline BARMM: 242 todas 719 election-related violence