HINDI naging hadlang ang pagkabilanggo ni former President Rodrigo Duterte sa The Hague, Netherlands para balikan ang pagiging alkalde ng Davao City.
Batas sa official city canvass report, nakasungkit ng 662,630 boto ang dating Pangulo laban kay former Civil Service Commission chairman Karlo Nograles.
Bukod sa dating pangulo, kabilang rin sa mga naproklamang wagi sina Baste Duterte bilang vice-mayor.
Inaasahan naman tatayong alkalde ang batang Duterte habang nasa The Hague pa ang ama.
Panalo rin bilang kongresista sa unang distrito si Paolo “Pulong” Duterte laban kay House Deputy Majority Leader Migs Nograles.
Makakasama naman ni Pulong sa Kamara ang panganay na apo ni Duterte na si Omar matapos makakuha ng pinakamaraming boto bilang kongresista ng ikalawang distrito.
Nanguna naman sa hanay ng mga kandidato para konsehal ng unang distrito ng lungsod ng Davao si Rodrigo II, na anak ni Pulong.
