NAKATAKDANG bumalik sa kapitolyo ng Batangas ang tinaguriang “Star For All Seasons” na si Vilma Santos-Recto matapos ang pormal na proklamasyon kasunod ng idinaos na halalan.

Tinalo ni Santos-Recto sina Mike Rivera (Liberal Party), Jay Ilagan (Promdi), and Walter Ozaeta.

Gayunpaman, hindi sinipot ni Santos-Recto ang proklamasyon ng provincial board of canvassers. 

Bago pa man sumabak sa nakalipas na eleksyon, nagsilbing alkalde ng Lipa City, kongresista at gobernador ng Batangas si Santos-Recto mula taong 2007 hanggang 2016.

Makakatuwang naman ni Santos-Recto si former Batangas Gov. Hermilando Mandanas bilang bise-gobernador, matapos talunin si Luis Manzano.

Bukod kay Ate Vi, wagi rin ang bunsong anak na si Ryan Christian Recto bilang kongresista ng ika-anim na distrito ng Batangas.

By ..

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *