ILANG tulog na lang, muling matutunghayan ang pinananabikang paligsahan sa pag tudling na gaganapin mula Hunyo 13 hanggang 15 sa QCPD Firing Range sa Quezon City.
Sa isang kalatas, inaanyayahan ng pamunuan ng PNP Press Corps ang mga shooters na lumahok sa nalalapit na 3rd PNP Press Corps Invitational Shootfest sa Camp Karingal sa Sikatuna Villager ng nabanggit na lungsod.
Bukas ang sa lahat ang “Level 1 – PPSA sanctioned match, 5 stages, minimum of 120 rounds both Hand Gun and PCC o pistol Caliber Carbine.”
Maari ding bumili ng Raffle Ticket para sa tyansang manalo ng 9mm Pistol at iba pang exciting prizes. (EDWIN MORENO)
