MATAPOS ang mahigit dalawang taon, ganap nang naibalik sa Pilipinas ang dating kongresistang pinaniniwalaang nasa likod ng pagpaslang kay Gov. Roel Degamo at iba pa noong Marso ng taong 2023 sa Negros Oriental.
“It is now time for Arnie Teves to face justice,” wika ni Pangulong Ferdinand Marcos kasunod ng pagpapadeport ng Timor Leste kay dating Negros Oriental Rep. Arnolfo “Arnie” Teves Jr. Huwebes ng gabi, Mayo 29.
Sa impormasyong ibinahagi ng awtoridad, dakong alas 7:40 nang lumapag sa Davao City ang eroplanong sinakyan ni Teves. Pagkatapos ng “stop-over,” muling lumipad ang eroplano patungo sa Villamor Air Base sa Pasay City.

Mula sa Villamor Air Base, nakaposas na binitbit ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation ang sinibak na kongresista sa NBI headquarters sa Maynila para sa medical check-up at booking procedures.
“The former representative, Rep. Arni Teves is now back in the Philippines,” pahayag ni Marcos sa isang video message.
“As we know, the former congressman Arni Teves is facing charges of murder and other crimes related to the ambush killing of the former governor Degamo. We would also like to assure our citizens that such lawlessness will not go unpunished,” dugtong ng Pangulo.
“This would not have happened without the assistance of President Horta and Prime Minister Gusmao of Timor-Leste. They have been working very hard to bring this to conclusion,” aniya pa.
Bukod sa pagpaslang kay Degamo, sinampahan rin ng mahabang talaan ng mga asunto si Teves kaugnay ng iba pang patayan sa Negros Oriental. Kasama ang 12 iba pa, klasipikadong terorista na rin ang dating kongresista.
