HINDI pa man nagtatagal mula nang malambat ng mga mangingisda sa karagatang sakop ng iba’t ibang lalawigan ang bilyong-halaga ng shabu, bumulaga naman sa baybaying bahagi ng Sitio ng Casaluran sa probinsya ng Cagayan ang nasa P5.3 milyong halaga ng shabu.
Sa ulat ng Philippine Coast Guard (PCG), agad na isinuko ng isang 30-anyos na mangingisda ang nalambat na kontrabando ang isang mangingisda ng cocaine sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
Sa pagtataya ng PDEA, aabot sa halagang P5.3 milyon ang hal;os isang kilong cocaine na narekober sa baybayin ng Sitio Casaluran, Cagayan nito lamang nakalipas na Linggo.
Bukod sa PCG at PDEA, kabilang rin sa sabayang pagkilos kontra puslit-droga ang iba’t ibang ahensya at tanggapan ng pamahalaan tulad ng Batanes Provincial Office, Calayan Police Station, Maritime Law Enforcement Team, at Armed Forces of the Philippines (AFP).
Isasailim sa chemical analysis ng PDEA ang natagpuang droga. (LILY REYES)
