MATAPOS ang pitong buwan, tuluyan nang inaresto ng mga kapwa pulis ang koronel na pinaniniwalaang kumatay sa kasintahan noong nakalipas na buwan ng Nobyembre.
Sa ulat ng Philippine National Police – Integrity Monitoring and Enforcement Group (PNP-IMEG), kinilala ang suspek na si Lt. Col. Roderick Tawanna Pascua na dinakip sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong murder.
Ayon kay Brig. Gen. Bonard Briton, director ng PNP-IMEG, isinilbi ang mandamiento de arresto kay Pascua habang nasa kustodiya ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) Support Unit sa loob ng kampo.
Walang piyansa inilaan ang korte sa kasong kinakaharap ng akusado.
Nobyembre 28 ng nakaraang taon nang pagputol-putulin umano ni Pascua ang katawan ng biktimang si Police Executive Master Sgt. Emmanuel De Asis sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City.
Base sa report, nahuli umano ng suspek ang kanyang asawa sa isang “very intimate” na sitwasyon kasama ang biktima.
Natagpuan ang bangkay ng biktima noong Disyembre 5 na ibinaon sa ancestral home ng suspek sa Baguio City. (EDWIN MORENO)
