HINDI bababa sa 20 mamamahayag ang lumusob kamakailan sa tanggapan ni Manila City Mayor Isko Moreno Domagoso — hindi para manggulo kundi para sa isang courtesy call na ikinasa ng NCRPO Press Club.
Sa isang pahayag, binigyang pagkilala ni NCRPO Press Club President Lily Reyes ang posisyon ni Moreno sa usapin ng karapatan sa pamamahayag.
“Rest assured, kayong mamamahayag ay malaya dito sa Maynila. Umasa kayo na suportado namin ang malayang pamamahayag sa Lungsod ng Maynila,” wika ng alkalde.
Kabilang sa mga mamamahayag na bumisita kay Moreno at Vice Mayor Chie Atienza sina Joselyn Tabangcura, Ka Mata, Igie Gacelan, Doris Franche-Borja, Rey Anthony Ang, Francis David, Bea Tiu, Evelyn Garcia, Grace Bernas, Josh Abiad, Jojo Sicat, Angelo David, Bernard Maganto, Crismon Heramis, Morris Heramis, Miriam Sanchez, Romeo Tuazon at Toni Arcega.
