ARESTADO sa operasyon ng Bureau of Immigration (BI) sa isang hotel sa lungsod ng Maynila ang tatlong Chinese nationals na pinaniniwalaang nasa likod ng online cryptocurrency scam
Batay sa ulat ng BI, dinakip ng mga operatiba ng Fugitive Search Unit (FSU) ang mga suspek sa isang hotel sa kahabaan ng Tomas Mapua Street noong Nobyembre 7 matapos makatanggap ng impormasyon hinggil sa presensya ng mga wanted na dayuhan.
Unang dinakip ng mga awtoridad ang dalawang Chinese nationals na may edad 27 at 37. Huli rin sa naturang lugar ang isang 50-anyos na Chinese national na umano’y nangangasiwa sa online scam operation na karaniwang nambibiktima ng mga negosyanteng nakabase sa Hong Kong.
Wala rin umano maipakitang pasaporte o dokumento ang mga suspek na kasalukuyang nasa kustodiya ng kawanihan habang inihahanda ang deportation proceedings laban sa mga hindi pinangalanang Intsik.
