MATAPOS tupukin ng apoy ang isang bahagi ng gusali ng Senado, tiniyak si Senate President Vicente Sotto III na hindi nadamay ang mga ebidensya at testimonyang nakalap sa ng blue ribbon committee hinggil sa flood control scandal.
“Rest assured that all pertinent Senate documents–including those of the Blue Ribbon Committee–remain intact, safe, and completely unaffected by the fire,” pahayag ni Sotto.
Katunayan aniya, nakikipag tulungan na ang Senado sa Bureau of Fire Protection (BFP) at Senate internal security para tiyakin hindi na maulit ang naturang insidente.
Gayunpaman, may mga dokumento aniyang nabasa matapos tumagas ang ang tubig habang inaapula ang apoy. Bukod sa mga opisina, bahagya rin aniyang nabasa ang session hall.
Sa ulat, sumiklab ang apoy sa opisina ng Legislative Technical Affairs Bureau sa ikatlong palapag ng gusali bandang alas 6:30 ng umaga. Idineklarang under control ang sunog bandang alas 7:43 ng umaga at tuluyang naapula ganap na alas 8:20 ng umaga..
Wala naman nasaktan sa insidente. (ESTONG REYES)
