KASABAY ng paggunita sa ika-162 kaarawan ni pinuno ng himagsikan sa panahon ng Kastila, binigyan-pagkilala ng lungsod ng Maynila ang kabayanihan ni Gat Andres Bonifacio.
Sa pangunguna ni Manila City Mayor Isko Moreno, nag-alay ng bulaklak ang lokal na pamahalaan sa dambana ng bayaning higit na kilala sa likod ng Katipunan.
Kasama si Vice Mayor Chi Atienza at iba pang opisyal, idinaos ang isang programa sa Liwasang Bonifacio na pinaningning pa ng tinatawag na 21-gun salute.
Tulad ni Moreno, tubbong Maynila rin si Bonifacio.
Para sa alkalde, higit na angkop tularan ang kabayanihan ni Bonifacio higit lalo sa panahon ng walang katiyakan sa gitna ng malawakang katiwalian sa pamahalaan. (JULIET PACOT)
