IBINIDA ng Ipilan Nickel Corporation ang P2.067-bilyon ambag mula taong 2022 hanggang 2025 sa gobyerno sai isinagawang pulong balitaan sa Pasay City.
Batay sa mga ibinayag na buwis, royalties at bayad sa mga regulasyon ng nasabing kumpanya, lumalabas na P1.684 bilyon ang pumasok sa national government sa pamamagitan ng Bureau of Internal Revenue (BIR), Bureau of Treasury (BTr) at Department of Environment and Natural Resource (DENR).
Sa isang kalatas, nagpahayag ng suporta ang Ipilan Nickel na isang subsidiary ng Global Ferronickel Holdings Incorporation sa economic agenda ng administrasyong Marcos.
Bukod sa buwis, royalties at regulatory fees, pumalo rin anila sa P267.6 milyon sa lokal na pamahalaan, gayundin ang P115.6 milyon para sa mga katutubo (Indigenous People).
Lalo din itong pinagtibay sa pagtupad ng kumpanya sa mga obligasyon sa pananalapi na pinag-uutos sa ilalim ng batas ng bansa.
Samantala, Ipilan Nickel na patuloy na sumusuporta ang nasabing kumpanya sa Social Development and Management Program kung saan nakasaad na bahagi ng kita ng kumpanya sa pagmimina at ilalaan sa mga inisyatiba ng mga apektadong komunidad — bukod pa sa trabaho para sa mga katutubo.
Sa datos ng Ipilan Nickel Corp., 558 (katumbas ng 55.19%) ng 1,011 empleyado at kontràktor ay mula sa mga barangay na apektado ng kumpanya sa Brooke’s Point.
Nasa 331 (katumbas ng 32.74%) ay mula naman sa mga karatig na barangay. Sa kabuuan, may kabuuang 889 katao ang nagtatrabaho para sa operasyon ng Ipilan Nickel Corp. sa Brooke’s Point. (EDWIN MORENO)
