MULING iginiit ni Senador Win Gatchalian ang pagpasa ng panukalang Waste-to-Energy (WTE) Act kasunod ng isang linggong sunog sa sanitary landfill sa Navotas.
Para kay Gatchalian, ang insidente sa Navotas landfill ay patunay na kailangan ng bansa ang tinawag nitang ‘sustainable solution” sa solidwaste management.
Partikular na isinusulong ng senador ang teknolohiyang “waste to energy.”
“Hindi na tayo maaaring manatiling nakaasa sa mga tambakan ng basura na naglalagay sa panganib
sa mga komunidad at sumisira sa kalikasan. Hindi sapat ang kasalukuyang sistema
sa pagtugon sa problema sa basura kaya kinakailangan nating pag-aralan ang iba pang
teknolohiya gaya ng WTE,” wika ni Gatchalian.
Ang makapal na usok mula sa malawakang sunog sa pasilidad sa Navotas na tumagal ng mahigit isang linggo ay lalo pang nagpalala sa polusyon sa hangin sa sa Metro Manila at mga karatig probinsya.
