NASA kamay ng mga mambabatas mula sa hanay ng kabataan ang katiwasayan at kaunlaran ng timog-silangang Asya.
Ito ang buod ng mensahe ni House Speaker Faustino Dy sa mga young Southeast Asian lawmakers, kasabay ng hamon pamunuan ang pagsusulong ng regional progress sa bisa ng pagbalangkas ng inclusive development alinsunod sa tinaguriang ASEAN agenda.
Sa idinaos na 3rd Consultative Meeting of the Young Parliamentarians of the ASEAN Inter-Parliamentary Assembly (AIPA) kung saan tumayong punong-abala ang Pilipinas at isinagawa sa pamamagitan ng online meeting, sinabi ni Speaker Dy na ang susunod na yugto ng pagpapaunlad ng rehiyon ay dapat nakaangkla sa pagkakaisa at pantay-pantay na responsibilidad.
Sa ilalim ng temang “ASEAN Youth: Strengthening Solidarity and Empowering Future-Ready Leaders,” ang pagpupulong ay sadyang inorganisa para sa hanay ng young lawmakers mula sa iba’t-ibang bansa sa rehiyon upang makatuwang sa paghubog ng mas inklusibo at “forward-looking ASEAN agenda.”
“ASEAN is strongest when all of us move forward as one. And I am confident that the young leaders gathered here today have the energy and conviction to build that future,” wika ni Speaker Dy nang pamunuan ang pagbubukas ng pagpupulong.
Ayon kay Dy na tumatayong AIPA President, ang bawat economic gains na natamo ay dapat magbunga ng makabuluhang resulta sa bawat mamamayan ng Southeast Asia.
“Prosperity without unity is hollow, and that progress is genuine only when it benefits everyone,” dagdag ni Speaker Dy.
Ayon pa sa House Speaker mula sa lalawigan ng Isabela, sa kabila ng $3.8-trillion economy para sa halos 700 milyong Asyano, ang pag-angat sa hinaharap ay nakabatay sa magiging aksiyon ng mga susunod na henerasyon.
“ASEAN remains a model of regional cooperation… But its future rests on you as our young leaders—who make up one-third of our population,” aniya.
Ibinahagi rin niya ang kaugaliang “malasakit” na dapat aniyang maging sandigan ng young parliamentarians sa pagganap ng kanilang tungkulin.
“In the Philippines, we call this malasakit—a deep sense of care and responsibility for others. It is this spirit that must guide ASEAN as we move forward together,” saad niya.
Samantala, sa nasabing pagpupulong ay pormal na itinalaga ni Dy si 4Ps partylist Rep. Jonathan Clement “JC” Abalos II bilang chairperson ng Young Parliamentarians of AIPA (YPA).
“I am confident that his leadership will guide the YPA toward greater cooperation, integration, and relevance in our region.”
