BINIGYAN lang ng 10 araw ng Korte Suprema si Senate President Vicente Sotto III para magpaliwanag kaugnay ng pagkwestyon sa desisyon ng husgado kaugnay ng impeachment case ni Vice President Sara Duterte noong nakaraang taon.
Partikular na tinukoy ng Korte Suprema ang linyang “sad day for the Constitution” na winika ni Sotto matapos manindan ang kataas-taasang hukuman na labag sa konstitusyon ang articles of impeachment na ipinasa ng Kamara sa senado.
Hindi rin nagustuhan ng Korte Suprema ang patutsada ni Sotto sa tinurang “judicial overreach” sa ginawang pagpigil sa paglilitis ng Senate Impeachment Court kay Duterte.
Iminungkahi rin ni Sotto ang posibilidad ng pag-amyenda sa Konstitusyon upang malimitahan ang kapangyarihan ng hudikatura.
Sa petisyon inihain nina Atty. Manuelito Luna, Atty. Ferdinand Topacio, Atty. Harold Respicio, Atty. Virgilio Garcia at negosyanteng si Cathy Binag, nanindigan ang grupo ng mga abogado na lubhang nakakasira sa tiwala ng publiko sa hudikatura ang mga pahayag ni Sotto.
