NABABALOT ng pangamba ang mga residente sa bayan ng Montalban sa sunod-sunod na pag-atake ng hinihinalang serial killer.
Ayon kay Lt. Gerry Escudero, isang tawag ang natanggap sa himpilan ng pulisya hinggil sa umano’y pamamaril ng hindi pa nakikilalang suspek sa Jovil-3, Barangay San Isidro ng nabanggit na bayan.
Agad naman aniyang rumesponde ang kapulisan kung saan tumambad ang nakahandusay na katawan ng dalawang biktimang kapwa wala nang buhay bunsod ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Sa mga nakalipas na linggo sunod-sunod ang naiulat na pamamaslang sa nasabing bayan. Hinala ng mga residente, nasa paligid lang ang salarin sa likod ng krimen.
