HIMALANG hindi man lang nagalusan ang isang 45-anyos na drayber matapos mahulog sa bangin ang minamanehong trak sa kahabaan ng Maharlika Highway sa bayan ng Gumaga, lalawigan ng Quezon.
Sa ulat ng lokal na pulisya, binabaybay ng Isuzu wing van na kargado ng sako-sakong kopra ang kahabaan ng Maharlika Highway nang magkaaberya ang manibela sa pabulusok na kurbado sa Barangay Camohaguin bandang alas 2:30 ng hapon noong Biyernes.
Kwento ng drayber, nawalan ng giya ang manibela hanggang sa salpukin ang steel railing sa kanang bahagi ng highway hanggang sa mahulog sa bangin na may 15 lalim ng 15 talampakan.
Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya sa naturang insidente.
