MALAKAS na hampas ng hangin dala ng Habagat ang nakikitang dahilan sa likod ng pagbagsak ng siyam na poste sa Barangay Tawiran, sa bayan ng Obando, lalawigan ng Bulacan.
Dahil sa insidente, nawalan ng supply ng kuryente ang mga negosyo at kabahayan sa malaking bahagi ng naturang bayan.
Naganap ang pagtumba ng posteng pag-aari ng Meralco dakong alas 3:20 ng hapon noong Lunes, Hunyo 1. Agad naman nakipag-ugnayan ang lokal na pamahalaan ng Obando sa Meralco para magkumpuni at magbalik ng supply ng kuryente.
Walang naitalang nasaktan sa naturang insidente.
