PATULOY ang pagdami ng bilang ng mga nasawing indibidwal matapos yanigin ng magnitude 7.8 na lindol ang malaking bahagi ng Mindanao.
Sa datos na ibinahagi ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), pumalo na sa 45 ang namatay, habang nasa 487 ang sugatan — bukod pa sa 17 iba pa.
Aabot naman sa 149,372 katao o 33,596 pamilya ang lubhang apektado ng lindol sa iba’t ibang bahagi ng Mindanao.
Sa naturang bilang, 32,464 indibidwal o 8,813 pamilya ang nananatili sa mga evacuation center at 8,973 indibidwal o 1,804 pamilya ang nananatili sa ibang lugar.
