PUMALO na sa 65 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa magnitude 7.8 na lindol na yumanig sa Mindanao, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Higit na mataas din ang naitalang bilang ng mga nasugatan. Sa datos ng NDRRMC, 1,447 sugatan kaugnay ng lindol, habang 36 katao ang nanatiling missing.
Sa Situational Report No. 7, sinabi ng NDRRMC na kabuuang 176,186 pamilya o 736,386 indibidwal ang lubhang naapektuhan ng kalamidad na nagpabagsak sa mga kabahayan, gusali at iba pang imprastraktura sa malaking bahagi ng Mindanao.
Sa naturang bilang, 3,180 pamilya (katumbas ng 14,161 indibidwal) ang nananatili sa 37 evacuation centers, habang 14,687 pamilya (katumbas 59,013 indibidwal) naman ang pansamantalang nanunuluyan sa ibang lugar.
