SA dami ng balang pinakawalan ng dalawang menor de edad, hindi malayong biktima ng bullying mga suspek sa likod ng pamamaril sa loob ng San Jose National High School sa Tacloban City.
“Initially, it appears like the motive of the crime is grudge for school bullying,” wika ni Col. Allen Rae Co na tumatayong hepe ng Philippine National Police – Public Information Office.
Batay sa datos na nakalap ng punong himpilan ng pambansang pulisya, hindi bababa sa 40 basyo ng bala ang narekober sa lugar ng insidente. Tukoy na rin aniya ang mga baril na ginamit sa pamamaril — isang 9mm Glock at isang caliber .38 Armscor.
Sa imbestigasyon, lumalabas na pag-aari din ng isang pulis ang 9mm Glock na ginamit ng 14-anyos na pamangkin.
Nakarehistro naman sa isang security agency ang kalibre 38 na ginamit naman ng 15-anyos na suspek.
Tatlo ang kumpirmadong nasawi habang limang iba pa ang sugatan sa nasabing insidente.
