NAKIISA ang Kamara de Representantes sa pagluluksa ng buong bansa kasunod ng malagim na insidente ng pamamaril sa San Jose National High School, Tacloban City kamakailan.
Sa isang kalatas, nagpaabot ng pakikidalamhati si House Speaker Faustino Dy III sa naulalang pamilya ng tatlong mag-aaral na nasawi sa pangyayaring nagpapakita aniya ng pangangailangan pagtibayin ang mga hakbang para maiwasan ang kaguluhan at gawing ligtas ang mga paaralan.
“The House of Representatives joins the nation in mourning the students who lost their lives in this tragic incident. We extend our deepest sympathies to their families and loved ones, and we pray for the recovery of those who were injured,” pahayag ng House Speaker.
“Any act of violence that claims the lives of young people and disrupts the safety of our schools is a matter of grave concern. Schools must remain places of learning, security and opportunity for every Filipino child,” dagdag niya.
Para kay Dy, “ang paaralan ay dapat kanlungan ng kaalaman at pag-asa, hindi pugad ng takot at karahasan.”
“Ito ang lugar kung saan nabubuo ang mga pangarap, hindi kung saan nagwawakas ang mga ito. Kapag may batang nasaktan o nasawi sa loob ng silid-aralan, hindi lamang isang buhay ang nawawala—may bahagi ng kinabukasan ng ating bansa ang nawawala kasama niya,” dugtong ng lider-kongresista.
Pagtitiyak ni Dy, suportado ng Kamara ang pagsasagawa ng masusing imbestigasyon para panagutin ang mga may pagkakasala at alamin ang hakbang na dapat ipatupad para siguruhing hindi na mauulit ang kahalintulad na insidente sa darating na panahon.
Subalit ani Speaker Dy, “hindi sapat na alamin kung sino ang may kasalanan. Kailangan din natin suriin kung anu-anong mga senyales ang hindi natin napansin, at kung paano natin mas mapapalakas ang mga sistemang nagpoprotekta sa ating mga kabataan bago pa sila tuluyang maligaw sa landas ng karahasan.
Panawagan ng mambabatas mula Isabela sa mga kinauukulan ahensya ng pamahalaan, maging sa hanay ng educators, parents, and local communities na magtulungan para tutukan ang student welfare, mental health, conflict resolution at early intervention initiatives.
“This tragedy should compel all sectors to work together to strengthen school safety, promote the well-being of our youth, and address the conditions that can lead to violence. The House of Representatives stands ready to support policies and programs that advance these goals.”
