PAGKATAPOS ng isinagawang pre-trial proceedings, kumpiyansa ang House prosecution panel na tuloy na tuloy na ang impeachment trial kay Vice President Sara Duterte sa Hulyo 6.
“Ang pagtatapos po ng pre-trial conference ay isang malaking hudyat na wala pong maaaring hadlang sa pag-umpisa ng actual impeachment trial sa nalalapit na July 6 na naaayon sa ating Saligang Batas,” woka ni House impeachment spokesperson at Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong sa isang press conference via Zoom.
“Kakatapos lang po ng pre-trial conference at nakahanda ang prosecution na mag-submit ng mga komento,” dagdag niya.
“The good news is that with the completion of the pre-trial proceedings, the impeachment trial is now set to commence on July 6,” ayon naman kay House legal spokesperson Benjamin “Jay” Tolosa Jr.
Ayon kay Tolosa, itinuturing ng prosecution panel ang pagtatapos ng pre-trial phase bilang makabuluhang hakbang sa pagsunod sa itinatakda ng Saligang Batas at nagbigay ng pagkakataon sa publiko na marinig at makita ang mga ebidensya.
“We welcome this important milestone because it allows the constitutional process to move forward and gives the Filipino people the opportunity to hear the evidence, examine the facts, and know the truth through a fair, transparent, and orderly trial,” pahayag pa ng private prosecutor.
“We express our sincere appreciation to the Secretariat of the Impeachment Court for its guidance and accommodations that it extended to both parties, which enabled us to complete this extensive process despite the thousands of documentary exhibits involved, particularly those relating to the articles of impeachment, unexplained wealth, and confidential funds,” dagdag ni Tolosa.
Sa mga susunod na araw, ani Alonto Adiong, magsisimula nang dinggin ng Senate impeachment court ang mga ebidensyang hawak ng magkabilang panig — tagausig at tagapagtanggol ni Duterte.
“Ilang araw na lang po ang natitira upang ang Senado na uupong hukom ay maririnig, makikita, at masusuri ang ebidensya ng bawat panig na naaayon sa prinsipyo ng due process,” sambit pa ng Mindanaoan lawmaker.
“Ang taumbayan po ay nakikinig, nagbabantay, at nagmamatyag. Deserve nila ang katotohanan at pawang katotohanan lamang. At iyan po ang panata ng prosecution team. Ang ilatag ang katotohanan at pawang katotohanan lamang sa sambayanang Pilipino sa nalalapit na paglilitis kay Vice President Sara Duterte.”
