HINDI na matutuloy ang 247-megawatt Banahaw Wind Power Project sa bundok ng Banahaw sa lalawigan ng Quezon matapos umatras ang kumpanya sa likod ng kontrobersyal na renewable energy project.
Ayon kay Director Marissa Cerezo ng Renewable Energy Management Bureau sa ilalim ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), buwan pa ng Enero nang matanggap ng DOE ang pagbawi ng kontrata para sa pagtatayo ng 247-megawatt renewable energy facility.
Batay sa project design, itatayo sana ang pasilidad sa pagitan ng mga bayan ng Sariaya at Tayabas —hindi kalayuan sa Mounts Banahaw-San Cristobal Protected Landscape, isang protected area na kanlungan ng kagubatan at tahanan ng iba’t ibang klase ng hayop at halaman.
Bago pa man ang kanselasyon, nagpahiwatig na ng pagtutol ang mga residente ang environmental organizations dahil sa posibleng epekto ng proyekto sa kalikasan, gayundin ang kabuhayan ng mga katutubo sa kabundukan.
