KINUWESTYON ni former House Speaker at Leyte Rep. Martin Romualdez ang pagsandig ng Office of the Ombudsman sa mga sinasabing magiging testigong nahaharap na mga kasong cyberlibel at perjury.
“Pantay na hustisya lamang ang hinihingi ko,” bungad na pahayag ni Romualdez bilang reaksyon sa ginagawang pagsisiyasat ng Ombudsman.
“But the Ombudsman is using witnesses he himself and now the DOJ have already publicly discredited — and who are now facing cyberlibel and perjury charges,” dugtong ng Leyte solon.
“Ito ba ang patas na imbestigasyon?”
“Mga testigong ibinasura na, kinasuhan pa ng cyberlibel at perjury — gagamitin pa rin para lang ituro ako at ako lamang,” dagdag ni Romualdez.
Panghuli, tigas na sinabi ng dating lider ng Kamara na “hindi ako uurong sa laban na ito. Hindi ako matitinag. Gawin natin ang tama.”
