HAYAGANG tinabla ng Sandiganbayan ang hirit ni Ombudsman Crispin Remulla na tanggalin sa talaan ng mga akusado sa kasong plunder si former Public Works and Highways Secretary Manuel Bonoan.
Sa 12-pahinang desisyon ibinasura ng Sandiganbayan Second Division ang Motion for Leave to File Amended Information na inihain ng Office of the Ombudsman noong nakalipas
“Accused Bonoan’s participation as a co-accused may bear upon the presentation of evidence, the determination of the parties’ respective roles and the full ventilation of the issues surrounding the alleged offense,” saad sa isang bahagi ng resolusyon.
Paglilinaw ng Sandiganbayan, walang bahid ng paghuhusga ang korte sa anumang sasabihin ng dating Kalihim sa korte — kung sakali man gamitin ng Ombudsman si Bonoan bilang testigo sa napipintong kaso former House Speaker Martin Romualdez at iba pang sinasabing dawit sa flood control scandal.
Gayunpaman, pwede pa rin naman anilang humiling ang prosekusyon na ma-discharge si Bonoan bilang state witness sa tamang yugto ng paglilitis.
