KUMBINSIDO ang isang mambabatas na mahabang panahon pang pagdurusahan ng mga Pilipino sa aspeto ng enerhiya, partikular sa usapin ng nuclear energy.
Sa isang kalatas, binigyang diin ni Solid North partylist Rep. Ching Bernos ang pangangailangan na makahanap ng ibang pagkukunan ng enerhiya para mapatatag ang suplay ng ng kuryente sa bansa.
“The effect of the Middle East conflict on our country only underlines the need to lessen our dependence on oil. Mahabang usapin pa ang nuclear energy at hindi agad-agad mangyayari, pero malinaw na kailangan nating galugarin ang iba pang alternatibo—hindi lang nuclear, kundi kasama na rin ang solar, wind, geothermal, atbp. sources ng energy,” wika ni Bernos na miyembro ng House Committee on Energy Production.
Bagamat suportado ang pagsusulong ng nuclear energy bilang alternatibo, nilinaw ni Bernos na hindi angkop madaliin ng gobyerno ang proseso.
“This is a long-term process, and whatever the Marcos administration starts within the last two years will only be the first step of laying the vast groundwork for nuclear energy utilization. There should be no rush, no shortcuts,” paalala niya.
Ani Bernos, marami ang dapat ikonsidera — at kailangang resolbahin bago pa man ang magtayo at magpatakbo ng isang nuclear reactor.
Kabilang sa mga dapat aniyang ikonsidera ng pamahalaan ang pagsasailalim sa kaukulang pagsasanay ng mga tao para sa konstruksyon, operasyon, maintenance at iba pang aspeto sa nuclear power facility.
Dagdag ni Bernos, dapat din makipag-ugnayan ang Pilipinas sa iba pang mga bansang kumukuha ng enerhiya mula sa nuclear plant.
“We will want to work closely with and learn the best practices from the other countries that have embarked on the same journey to ensure that we avoid any mishaps and tragedies,” pagtatapos ng Solid North PL solon.
