TONE-TONELADANG basurang tinangay ng malalaking alon kasabay ng high tide sa Manila Bay ang tumambad sa Baseco Compound sa Tondo sa lungsod ng Maynila.
Sa direktiba ni Manila City Mayor Isko Moreno, agad na tinungo ng mga kawani mula sa Department of Environment and Public Services (DEPS) para magsagawa ng puspusang “clean-up operation.”
Garantiya ng alkalde, magpapatuloy ang paghahakot hanggang sa tuluyang mabus ang mga basurang dadalhin naman aniya sa San Mateo Sanitary Landfill sa lalawigan ng Rizal.
Ayon kay DEPS Director Kenneth Amurao, nananatiling normal ang takbo ng solid waste management operations, kabilang ang Manila Transfer Station.
Patuloy rin umano ang paglilinis sa mga kalsada upang agad maibalik ang maayos na daloy ng trapiko at matiyak ang kaligtasan ng publiko sa gitna ng masamang panahon.
