NAKATAKDANG sampahan ng kasong kriminal at administratibo ang babaeng pulis na namamay-ari ng baril na ginamit sa pamamaril na naganap sa Tacloban National High School noong Hunyo 22. Sa rekomendasyon ng Office of the City Prosecutor of Tacloban City, kabilang sa mga asuntong isasampa kay Police Staff Sergeant Arla Rey Pacencia ang kasong reckless imprudence resulting in multiple homicide and physical injuries. “The DOJ trusts that the criminal process will proceed in accordance with the rules on due process for all parties concerned,” wika ni Department of Justice (DOJ) Spokesperson Polo Martinez sa isang pahayag. Hunyo 22 nang walang habas na nagpapaputok ng baril ang dalawang estudyante sa loob ng klase sa San Jose National High School sa Tacloban City kung saan tatlong kaklase ang nasawi habang 20 naman ang nasugatan. Gumamit umano ang 14-anyos na suspek ng 9mm pistol na nakarehistro sa tiyahin na pulis, habang gumamit naman ang 15-anyos ng .38-caliber revolver na nakarehistro sa isang security agency sa Cebu. “The corresponding Information will be filed with the Family Court, Regional Trial Court of Tacloban City,” dagdag ni Martinez. Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation 29 mag-aaral nalason sa ginataan at gulaman