SA hangarin tiyakin ang kapayapaan, kaayusan at kaligtasan ng mga mamamayan, personal na tinungo ng hepe Rizal Provincial Police Office (RPPO) ang tanggapan ng kinatawan ng Montalban sa Kamara.

Sa isang kalatas, tiniyak ni Police Colonel Eleazar Barber Jr. na tumatayong Rizal Provincial Director, ang maagap na tugon ng kapulisan sa anumang tawag ng saklolo sa distritong sakop ni Rep. Dennis Hernandez.

Bukod kay Barber, kasama rin sa pagbisita sa tanggapan ni Hernandez sina  

Police Major Emmarie S. Ablao na tumatayong hepe ng Provincial Plans and Program Unit (PPPU).

Layunin ng pagbisita na patibayin ang ugnayan at koordinasyon sa pagitan ng Rizal PPO at ng Kongreso. Tinalakay din ang pagtutulungan para sa mga programang magsisilbing sandigan para mapanatili ang kapayapaan, kaayusan, at kaligtasan sa lalawigan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *