KAWALAN ng safety gears ang sinisilip na dahilan sa likod ng pagpanaw ng pitong minero — kabilang ang isang senior citizen, habang nasa loob ng mining tunnel sa Itogon, Benguet.
Batay sa inisyal na impormasyon, nakalanghap ng nakakalasong kemikal ang mga manggagawa habang nagbubungkal sa Sitio Dontog,, Barangay Ampucao.
Kinilala ang mga biktimang sina sina Bryan Campoas Madrid, Kenjie Ingaan Mangayen, Orviel Kiwingan Valdez, Crisanto Ingaan Gapacan Jr., Hill Limong Padon, Alvin Lazaro Daniel, at ang senior citizen na si Leonardo Bacuteng Pino.
Kwento ng mga saksi, pahirapan ang pagpasok sa tunnel ng mga rescuers dahil sa nakakasulasok na amoy ng hindi tinukoy na kemikal.
Patuloy ang imbestigasyon sa hangarin matukoy ang responsable sa naturang insidente.
