Photo courtesy: Mayor Esee Ruzol & 2nd Infantry "Jungle Fighter" Division, Philippine Army
LIMA katao ang iniulat na nasawi sa patuloy na pagbuhos ng malakas na ulan sa Sition Angelo, Barangay Umiray, General Nakar, Quezon.
Sinabi sa report na bandang alas-4:30 ng madaling araw ng Miyerkules nang gumuho ang isang bahagi ng bundok at nadaganan ng lupa ang mga biktima.
Kinilala ni ni Mayor Eliseo ‘Esee’ Ruzol ng General Nakar ang mga biktimang sina Ramel Binalao, Sherly Delos Angeles, Jonathan Delos Angeles, Dionely Datario habang ang isa ay nananatili pang hindi kilala.
Agad namang nagpaabot ng tulong si Quezon Governor Doktora Helen Tan sa mga kaanak ng biktima ng landslide.
