ISANG linggo matapos magpatupad ng baryang rollback, isang big-time oil price hike naman ang bawi ng mga kumpanya ng langis – bagay na inalmahan ng mga motorista.
Wala na nga kami halos kinikita sa pamamasada dahil patiyempo-tiyempo lang ang biyahe para makaiwas sa mga buwaya sa kalsada… tapos ganyan pa ang ginagawa nila,” dismayadong pahayag ng isang jeepney driver na taga-Taytay, Rizal.
Ayon sa mga oil industry players, asahan ang halos P2 kada litrong dagdag presyo ng gasolina, habang nasa P1.60 naman ang umento sa presyo kada litro ng kerosene at krudo.
Sinisi naman ng mga kumpanya ang langis ang galaw ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado.
Epektibo ang dagdag-presyo sa mga produktong petrolyo sa Martes, Pebrero 23.
