LITERAL na kinalbo ng pitong magkakahiwalay na forest fire ang nasa kabuuang 1,000 ehtaryang kabundukan sa bayan ng Tuba sa lalawigan ng Benguet, ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP).
Gayunpaman, nagawang isalba sa peligro ang apat na taong kinaon mula sa nasusunog na bahagi ng bulubunduking bahagi ng naturang bayan.
Bukod sa Tuba, sapol din ng forest fire ang mga lokalidad ng Itogon, Kabayan at Bokod.
Ayon kay Fire Marshal Fire Senior Inspector Meson Asing Jr., ng BFP – Tuba, patuloy ang pag-apula sa nasusunog na kabundukan. Gayunpaman, nilinaw ng opisyal na “under control” na ang apoy.
Nasa 60 forest fires na ang naitala ng kawanihan sa Cordillera Autonomous Region mula buwan ng Enero.
Sa kabuuan, umabot na sa 2,518 sunog ang sumiklab sa bansa. Sa naturang bilang, 200 ay pawang nangyari sa Metro Manila.
