MATAPOS ang mahigit limang taon, tuluyan nang pinag-impake ng Office of the Ombudsman si Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Director Demosthenes Escoto bunsod ng kasong graft.
Ayon sa Ombudsman, may sapat na katibayan ang alegasyon ng katiwalian laban kay Escoto. Hatol ng Ombudsman sa opisyal – guilty sa kasong grave misconduct kaugnay ng graft charges na inihain laban sa BFAR director.
Sa rekord ng ahensya, taong 2018 nang lagdaan ni Escoto ang procurement deal para sa mga communications equipment ng BFAR.
Samantala, itinalaga ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel, Jr si Isidro Velayo bilang officer-in-charge ng ng kawanihan.
Si Velayo, Jr. ay dating national coordinator ng seaweed program ng BFAR at nagsilbing regional director ng ahensya sa Zamboanga Peninsula.
