November 12, 2024

saksipinas

Palaban, Walang Kinikilingan

2 ABOGADO TINANGGALAN NG LISENSYA NG SC

NI ANGEL F. JOSE

NAUWI sa wala ang anim na taong pagsusunog ng kilay ng dalawang abogado matapos magpasya ang Korte Suprema na tanggalan sila ng titulo at lisensya.

Sa desisyong kalakip ng disbarment case na inihain sa Korte Suprema, kabilang sa mga dinisbar sina William delos Santos at Marco Bautista.

Ayon sa husgado, napatunayan ng walang bahid alinlangan ang di umano’y ibinibidang kwento nina delos Santos at Bautista sa mga kinakatawan sa husgado ang di umano’y laganap na suhulan sa hudikatura.

Ayon sa Korte Suprema, hiningan di umano ng halagang P160,000 ni delos Santos ang kanyang kliyente para ibigay sa isang huwes sa Court of Appeals bilang suhol sa hangaring tiyakin ang panalo sa kaso. Gayunpaman, natalo ang kaso – kulong ang akusado.

“Hence, on account of his previous suspension and his evident violations of the Lawyer’s Oath and the Code of Professional Responsibility in the present case, the Court stressed that he deserved no less than the ultimate penalty of disbarment,” ayon sa desisyon ng SC.

Disbarment din ang hatol ng Korte Suprema kay Bautista makaraan umaktong fixer para makakuha ng paborableng resolusyon kaugnay ng isang kasong kriminal na nakahain sa Makati City Prosecutor’s Office.

“The latest action of the Court is a clear indication that the Judiciary is committed to purging the legal profession of erring members,” ayon pa sa pahayag ng Korte Suprema.