
SA hudyat ng pagpasok ng panahon ng kwaresma, nasimula na rin sumipa ang presyo ng mga isda sa mga pamilihang bayan sa Metro Manila.
Sa Mega Q-Mart sa Quezon City, pumalo sa P190 na kada kilo ang presyo ng bangus mula sa dating P180 kada kilo, habang ang presyo ng tilapia na dati-rating binebenta ng P110 kada kilo, humataw na sa P130.
Maging tuyo na mas kilala sa pandaigdigang merkado bilang Philippine Ham, sumampa na sa P400 kada kilo mula sa dating P360.
Bukod sa kwaresma, isa rin sa nakikitang dahilan ng pagtaas sa presyo ng mga isda sa merkado ay ang kapos na suplay mula sa sektor ng mangingisdang patuloy na itinataboy ng Tsina sa tuwing papalaot sa West Philippine Sea.