HINDI bababa sa 27,000 bilanggo ang ganap na pinalaya ng Bureau of Corrections (BuCor) sa nakalipas na tatlong taon.
Sa ulat na isinumite ni BuCor Director General Gregorio Catapang sa Department of Justice (DOJ), ibinida ang paspasang proseso ng kawanihan sa pagpapalaya ng mga persons deprived of liberty (PDL) alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Batay sa datos ng BuCor, 27,281 preso ang ganap nang nakalaya mula Hulyo 2022 hanggang Nobyembre 2025 — mas mataas kumpara sa bilang ng mga pinalayang bilanggo sa unang tatlong taon ng nagdaang administrasyon.
Bahagi rin ng ulat ni Catapang ang pagbaba ng 69 percent sa congestion rate sa iba’t ibang kulungan at pasilidad na pinangangasiwaan ng BuCor.
