WALANG katiyakan kung kailan maibabalik sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang P60-bilyong dapat ibalik sa ahensya, alinsunod sa kautusan ng Korte Suprema.
Pero may mabilis na paraan para maisakatuparan ang atas ng husgado.
Sa isang kalatas, iminungkahi ni House Deputy Speaker at Iloilo Rep. Janette Garin na isama na lang ang naturang halaga sa alokasyon ng PhilHealth sa susunod na taon.
Una nang lumutang ang mga panawagan na kunin na lang ang pera sa mga narekober na nakaw na yaman mula sa mga opisyal at kointratistang sangkot sa flood control scandal.
“I hope they are not suggesting that Congress – the House of Representatives and Senate – and Malacañang defy the Supreme Court decision to return the P60 billion remitted by PhilHealth to the national treasury last year by allocating the same amount in next year’s budget,” wika ni Garin.
“Pinapasama sa budget para siguradong maibabalik sa PhilHealth ang pera ng mga miyembro, kaysa maghagilap pa ng pondo kung saan-saan. Mas mabuti na ito, dahil ito ay perang malinaw na mailalaan sa PhilHealth sa pamamagitan ng batas,” dagdag pa ng lady solon.
Gayunpaman, nilinaw ni Garin na dapat lang panagutin ang mga sangkot sa anomalya.
“Hindi ko naman sila maintindihan – hindi ba mas maganda na ang pera ay siguradong hawak na, o tiyak na darating, kaysa umaasa sa perang hahanapin pa?” tanong ni Garin.
“I doubt whether the assets eventually recovered would even be sufficient. As of now, only P110 million has been voluntarily turned over by a Bulacan district engineer, while frozen bank accounts and other assets are valued at about P13 billion. Clearly, these amounts fall far short,” aniya pa.
Isinama na ang Kamara de Representantes sa inaprubahan nitong 2026 General Appropriations Bill (GAB) ang P60 bilyon na isosoli sa PhilHealth, alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
“PhilHealth is set to receive a total of P113 billion – P60 billion in restituted funds and an additional P53 billion in government subsidy.”
