APAT na buwan bago ang itinakdang deadline para sa malawakang voter’s registration para sa 2025 midterm election, naabot na ng Commission on Elections (Comelec) ang target na 3 milyon bagong botante.
Sa datos ng Comelec, nasa 3,020,999 and kabuuang bilang ng na-prosesong voter’s application mula nang umarangkada ang voter’s registration noong Pebrero 12.
Sa naturang bilang, pinakamarami ang babae na may 1,558,506, habang nasa 1,462,493 naman aniya ang kalalakihan.
Nagtala naman ng pinakamaraming bagong botante ang Calabarzon region na may 541,724. Nasa ikalawang pwesto ang Metro Manila kung saan 440,857 ang nadagdag sa voters list.
Pagtitiyak ni Garcia, patuloy ang voters registration hanggang Setyembre 30 ng kasalukuyang taon.
Samantala, hinikayat din ni Garcia ang mga botanteng natanggal sa talaan bunsod ng kabiguan lumahok sa nakalipas na dalawang halalan.
Aniya, pwede pa pang humabol para makaboto sa 2025 midterm elections.
