
MALAKAS na hampas ng mga dambuhalang alon bunsod ng bagyong Kristine ang nakikitang dahilan sa likod ng pagsadsad ng dalawang barko sa lalawigan ng Batangas at Romblon.
Sa kalatas ng Philippine Coast Guard (PCG), Miyerkules ng hapon nang itulak ng mga naglalakihang alon patungo sa dalampasigan malapit sa Batangas Port ang MV Super Shuttle Roro 2.
“Due to Tropical Storm Kristine’s powerful winds and waves, the vessel’s anchor broke, causing it to drift dangerously close to the port,” saad sa ulat ng PCG.
Bagamat agad na nagdispatsa ng towing vessel ang kumpangingit ng bagyong Kristine sa naturang lalawigan.
“In the meantime, the vessel was secured at the berth, and operations will resume once the weather improves. Coast Guard Station Batangas continues to monitor the situation to ensure the safety of the vessel and other port users,” anang PCG.
Paglilinaw ng PCG, Nobyembre ng nakalipas na taon pa huling naglayag ang MV Super Shuttle Roro 2 na naka angkla sa Delta Anchorage Area sa Bauan, Batangas.
Bukod sa MV Super Shuttle Roro 2, may isa pang barkong sumadsad sa lalawigan ng Romblon dahil sa malakas na hampas ng hangin at dambuhalang alon.
“Meron din tayo natanggap na report na merong isang barko rin na sumadsad sa may San Agustin, Romblon,” ayon kay PCG spokesperson Commodore Algier Ricafrente.
“Ito ay naka-angkorahe din dahil sa sama ng panahon at sa kasamaang ang palad ay nabunot din ang kanyang angkor kaya ito ay sumadsad sa tabi,” aniya pa.
Gayunpaman, ligtas ang mga sakay ng tripulante.